Batas para sa pension ng disabled veterans, OTOP at pagpapalakas ng cultural heritage ng bansa, aprubado na ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ganap nang batas ang mga panukala na pro-protekta sa kapakanan ng disabled military veterans, batas para sa pagpapaigting ng business system sa bansa at batas para sa pagpapatatag ng pagpre-preserba at pagprotekta sa Philippine Cultural Heritage.

Ito ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ay makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga panukala para dito.

Sa ilalim ng RA No. 11958 o ang batas na magra-rationalize sa disability pension ng veterans, mabibigyan ng monthly disability pension ang isang beterano, na nagkaroon ng disability dahil sa sakit, sugat, o injury na natamo nito sa serbisyo.

Sa ilalim naman ng RA No. 11960 o ang batas na magtatatag sa One Town, One Product (OTOP) Philippines Program, layong mapaabutan ng sapat at epektibong support services ang local MSMEs sa bansa, na pangungunahan ng DTI, sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture, at Cooperative Development Authority.

Habang aprubado na rin ng Pangulo ang RA No. 11961, o ang batas na magpapaigting sa conservation at pagprotekta sa Philippine Cultural Heritage sa pamamagitan ng cultural mapping at enhanced cultural heritage education program.

Ayon sa kalihim, ika-24 ng Agosto, pirmado na ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang transmittal letters na ipadadala sa dalawang kapulungan ng Kongreso, upang ipabatid ang tatlong batas na ito.

“Executive Secretary Bersamin, through the transmittal letters, will notify Congress this Tuesday, August 29, regarding the approval of Republic Act (RA) Nos. 11958, 11960, and 11961.” —Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us