Pormal nang sinampahan ng kaso ng Quezon City Police District ang isa sa mga artist ng grupong Bagong Alyansang Makabayan.
Dahil ito sa pagsusunog ng effigy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na ikalawang State of the Nation Address noong July 24, 2023.
Ang ginawa ng militanteng grupo ay paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act at Clean Air Act.
Nauna nang sinabi ni QCPD Director, P/Brig. Gen. Nicolas D Torre III, na sasampahan nila ng kaso ang mga pasimuno para hindi na ito maulit pa sa mga susunod na SONA.
Kinumpirma naman ng BAYAN na nakatanggap ng subpoena ang kanilang resident artist at tatlong iba pa kaugnay ng isinampang kaso.| ulat ni Rey Ferrer