BBM Nutrition Feeding Program, ilulunsad ngayong pasukan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatarget ilunsad ngayong pasukan ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon ang programang ‘Batang Busog Malusog’ o BBM Nutrition Feeding Program.

Sa pandesal forum, sinabi ni Sec. Larry Gadon na layon ng programa na tugunan ang kagutuman ng mga estudyante sa ilang piling eskwelahan na nasa ‘depressed areas’.

Ito aniya ay para masigurong walang mga batang papasok sa eskwela na kumakalam ang sikmura.

Kasama sa ikinukonsidera dito ang ilang mga eskwelahan sa Metro Manila.

Pagtitiyak naman nito, walang gagastusing pondo ang gobyerno sa naturang inisyatibo dahil iuugnay ito sa ‘corporate social responsibility’ ng mga pribadong kumpanya.

Sa ngayon, abala na aniya ito sa pakikipag-ugnayan sa mga malalaking kumpanya para sa pag-arangkada na ng BBM Nutrition Feeding Program.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman aniya ang pakikipagpulong ni Sec. Gadon sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa binabalangkas nitong proposal na reresolba sa problema sa kahirapan sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us