Bicol Region nakamit ang pangalawang gintong medalya sa Palarong Pambansa 2023 sa larangan ng long jump

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakamit ng Bicol Region ang pangalawang gintong medalya sa isinasagawang Palarong Pambansa sa larangan ng long jump para sa elementary girls event.

Naipanalo ni Rose Jane Barcelona ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng 4.59 metrong talon.

Si Barcelona ay isang 11 taong gulang na estudyante ng Mario G. Guariña Elementary School at residente ng Rangas, Juban, Sorsogon. Ito ang pinakaunang pagkakataon na lumahok siya sa isang nasyonal na kompetisyon.

Si Barcelona ay nasa ilalim ng paggabay ng kanyang mga coach na sina Melvin Balaoro at Lory Ravanilla at suportado ng kanyang chaperone na si Girly Estrada.

Siya ay nakatakdang lumaban muli sa 200m run sa darating ng Agosto 3 at sa relay naman sa Agosto 4.

Matatandaang ang unang gintong medalya para sa Bicol ay nasungkit ni Bianca G. Gebilagiun, na tiga Masbate sa larangan ng Javelin throw para sa secondary girls event. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us