Bidding para sa operasyon at rehabilitasyon ng NAIA, binuksan na ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbubukas ng bidding para sa mga nagnanais namang mangasiwa sa operasyon at rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil dito, kapwa inaanyayahan ng DOTr at ng Manila International Airport Authorithy (MIAA) ang mga intresadong kumpanya na lumahok sa single-stage competitive bidding process.

Ang gagamiting modality rito ay Build-Operate-Expand-Transfer na naka-angkla naman sa Build-Operate-and-Transfer o BOT Law gayundin ang 2022 revised Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Ang sinumang nagnanais lumahok para maging bidder ay mangyaring magtungo lamang sa mga website ng DOTr, MIAA, at sa Public-Private Partnership Center.

Magugunitang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mahigit ₱170-bilyong pisong NAIA PPP Project.

Sakop nito ang rehabilitasyon sa mga runway, apat na terminal at iba pang mga kaugnay na pasilidad nito na inaasahang makapagpapataas sa kapasidad ng NAIA sa 62 milyong pasahero mula sa kasalukuyang 32 milyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us