Todo bantay pa rin ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa designated Bicycle Lane sa kahabaan ng southbound lane ng EDSA-Ortigas ngayong umaga.
Ito’y bagaman holiday at walang pasok ngayong araw kaya maluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.
Ngayong araw kasi, inanunsyo ng MMDA na makatatanggap na ng citation ticket ang mga motorcycle rider na daraan sa designated Bicycle Lane kung saan, sinumang mahuhuli ay pagmumultahin ng ₱1,000.
Tuwing rush hour at kapag may pasok madalas nakikita ang mga motorsiklo na inookupahan na ang designated Bicycle Lane dahil ang karamihan sa mga ito’y nagmamadali sa pagpasok sa trabaho.
Pero sa nakalipas na tatlong oras ngayong araw ay mabuti namang walang nahuli dahil walang nangahas na motocycle rider na dumaan sa Bicycle Lane. | ulat ni Jaymark Dagala