Inaasahang aabot sa 6.6 milyon ang bilang ng mga electric vehicles sa buong bansa pagsapit ng taong 2030, batay sa projection ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) kasunod ng patuloy na pagtangkilik ng publiko sa mga ito.
Sa bilang na ito, ang mga 2-wheelers ang inaasahang may pinakamalaking bahagdan na posibleng umabot sa 83.12% o katumbas ng 5.5 milyong units.
Sinusundan ito ng mga passenger cars na posibleng pumalo ng hanggang 350,000 units.
Habang aabot ng hanggang 300,000 ang inaasahang aktibong units ng mga 3-wheelers pagsapit ng nasabing taon.
Sinabi rin ng EVAP na maliban sa mga maliliit na sasakyan ay inaasahan ding tataas ang bilang ng mga Public Utility Jeepney, truck, at mga Public Utility Bus na gumagana sa pamamagitan ng kuryente. | ulat ni Gab Villegas