Patuloy pang dumarami ang bilang ng mga enrollee o mga nagpatala para sa papasok na School Year 2023-2024, limang araw bago ang pagbubukas ng klase.
Batay sa datos mula sa Learner Information System Quick Count ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 18.8 million o halos 19 milyon ang mga naitala nilang enrollee.
Pinakamarami sa mga ito ay mula sa Region 4A o CALABARZON na may 3.1 milyon, sinundan naman ng National Capital Region o NCR na may 2.3 milyon, at Region 3 o Central Luzon na may 2 milyon.
Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng DepEd ang mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak hanggang Agosto 26 ng taong kasalukuyan
Samantala, maaari namang mag-enroll ang mga Alternative Learning System Learners Barangay, Community Learning Center o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. | ulat ni Jaymark Dagala