Umabot na sa 19 ang bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon.
Sa kabuuang bilang ng nasawi, 6 dito ay mula sa District 6, 5 sa District 2, 3 sa District 4, tig-dalawa sa District 2 at 5 at 1 sa District 1.
Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, may 155 kaso ng leptospirosis ang naitala mula January 1 hanggang August 19, 2023.
Mas mataas na ito ng 90 o 138.46% sa kaso kumpara noong nakalipas na taon.
Pinakamaraming naitalang kaso sa District 2 na may 43 habang pinakamababa naman sa District 3 na may 14 na naitalang kaso. | ulat ni Rey Ferrer