Nasa sampu (10) na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon.
Sa tala ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, apat (4)
sa mga namatay ay mula sa barangay Sauyo, Culiat, Pasong Tamo at Talipapa sa District 6.
Tatlo (3) naman sa District 2, dalawa (2) sa barangay Batasan at isa (1) sa Payatas B, isa (1) din ang naitala sa barangay Old Balara sa District 3, habang dalawa (2) sa barangay South Triangle sa District 4.
Mula Enero 1 hanggang Agosto 5, 2023 ay umabot na sa 81 ang kaso ng leptospiroris sa lungsod; Ito ay mas mataas ng 31 o 62% sa kaso noong 2022.
Pinakamataas na kaso ay naitala sa District 2 na aabot sa 19. Ang District 5 naman ang may pinakamababang kaso na may 8 na bilang.
Samantala, may pagtaas rin sa kaso ng dengue na umabot na sa 1,620 mula Enero 1 hanggang Agosto 5.
Ang District 4 ang may pinakamataas na kaso na umabot sa 358. May tatlo (3) na ang namatay sa District 1 at District 4. | ulat ni Rey Ferrer