Umabot na sa 169 ang nasira ng bagyong Egay at ng habagat.
Ayon sa latest situational report ng Department of Education (DepEd) sa naturang bilang nasa siyam na rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng pagkasira ng ilang paaralan kabilang na ang Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region (CAR), Calabarzon, Region 5, at Region 8.
Dagdag pa ng DepEd na ang naturang pinsala ay umabot na rin sa ₱810-million na kailangan ng major repair at reconstruction.
Samantala, patuloy pa rin ang assessment ng kagawaran sa mga datos at impormasyon sa mga nabanggit na rehiyon. | ulat ni AJ Ignacio