Muling nalampasan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang target nitong koleksyon ng buwis para sa buwan ng Hulyo.
Ayon sa BIR, umabot sa P273.134 bilyon ang tax collection nitong Hulyo na mas mataas ng 5.09% sa target para sa naturang buwan.
Mas mataas rin ito ng 38% kung ikukumpara sa koleksyon noong Hulyo ng 2022.
Kung susumahin naman mula Enero ay umakyat na sa P1.492 trilyon ang kabuuang koleksyon ng BIR na mas mataas rin sa 12.21% kumpara noong nakaraang taon.
Dahil dito, nananatiling kumpiyansa si BIR Comm. Romeo Lumagui na kakayaning malagpasan ang annual collection target ngayong taon dahil na rin sa pinaigting na tax enforcement activities ng ahensya kabilang ang kampanya laban sa sellers at buyers ng mga pekeng resibo.
Para sa taong ito, target ng BIR na makakolekta ng P2.639 trilyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa