Blended learning, patuloy na ipinatutupad sa Batasan Hills Nat’l High School

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa rin umiiral ang 100% face-to-face classes sa Batasan Hills National High School ngayong pasukan.

Paliwanag ni School Principal Dr. Eladio Escolano, nananatili ang blended learning set-up sa ilan nilang mga estudyante dahil sa hamon pa rin ang kakulangan ng classroom sa naturang eskwelahan.

Patuloy rin kasi aniyang lumulobo ang enrollment sa Batasan Hills National High School na umabot na sa 18,302 estudyante, mas malaki kumpara noong nakaraang school year.

Sa bawat classroom ngayon, umaabot sa 50-55 ang estudyante sa Junior High School habang 60-67 naman ang estudyante naman ang sa Senior High School.

Dahil dito, kasama sa short-term intervention ng paaralan ang pagpapatupad ng shifting at blended learning.

Para naman sa long-term solution, tina-target na aniya ng pamahalaang lungsod na magtayo ito ng karagdagang school building para punan ang kakulangan ng classroom sa eskwelahan.

Maliban naman sa classroom, sapat ang bilang ng mga guro at silya sa Batasan Hills National High School.

Samantala, tumalima rin ang naturang eskwelahan sa direktiba ng Department of Education na gawing simple na lang ang set-up ng bawat classroom. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us