Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan, kasalukuyang sarado sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang sarado ang Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan sa lahat ng turista at bisita dahil kasalukuyan itong nakararanas ng above normal na lebel ng tubig, malakas na water current at maputik na kondisyon ng tubig sa talon.

Humingi naman ng paumanhin ang Bolinao Tourism Office sa anumang abala na dulot ng pagsasara at taos-pusong nagpapasalamat sa pang-unawa habang inuuna ang kaligtasan ng lahat ng mga bisita.

Dagdag dito, patuloy naman ang pagpapaalala ng Bolinao Tourism Office na manatiling maingat sa pamamagitan ng pananatiling malapit sa baybayin ng Bolinao kung saan madaling masusubaybayan ng lifeguard, at hindi lumampas sa mga breakwaters. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us