Breast cancer screening sa bansa, dapat pang palakasin ayon sa lady solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang pamahalaan na palakasin pa ang breast cancer screening upang makapagsalba ng buhay.

Sa House Resolution 1023 ng kinatawan, binigyang halaga nito ang pinalakas na breast cancer awareness lalo na at ang breast cancer ay isa sa mga nangungunang sakit na kumikitil sa mga kababaihan.

Batay sa nakalap na datos ng tanggapan ng kinatawan mayroong 86,484 cancer cases sa bansa, at kada taon 27,163 breast cancer cases ang naitatala.

Nasa 9,926 na Pilipina naman ang nasasawi dahil sa sakit.

“With the alarming growth of breast cancer cases in the Philippines, there is a need to strengthen dedicated programs against breast cancer, and to allocate adequate budgetary support for programs involving early detection in hospitals and at the local level.” diin ng mambabatas

Binigyang diin pa ni Villar ang kawalan ng access sa mura at malapit na screening sa mga liblib na lugar at rural areas.

Katunayan, 70% ng breast cancer cases ay naitatala sa mga indigent o mahihirap na kababaihan.

“There is a seeming absence of comprehensive screening programs especially in far-flung areas, thereby depriving women to seek immediate early screening or medical help,” dagdag ni Villar. | ulat ni Kathleen Forbes

Hinikayat din ng lady solon ang mga kasamahang mambabatas para sa pagpapatibay ng panukala na maglalaan ng pondo para sa pagpapagamot ng mga mahihirap at kapos na cancer patients. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us