Nagbabala ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP hinggil sa mga website na ginagamit namang patibong ng mga kawatan para makapanloko.
Ayon sa BSP, dapat mag-ingat sa mga website na nagpapanggap na galing umano sa mga financial institutions tulad ng bangko para makahingi ng mga personal na impormasyon ng isang indibidwal.
Iwasan din ang pag-click sa mga natatanggap na link mula sa emails at text message lalo’t kung duda sa pinanggalingan nito.
Huwag ding magbigay ng mga personal na datos o impormasyon dahil hindi naman ito gawain ng mga lehitimong taga-bangko o ibang institusyon.
Tingnan ding maigi kung may padlock icon sa website ng pinanggalingan ng mensahe at suriin ding maigi ang spelling o grammar ng website para malaman kung lehitimo ito o hindi.
Sakaling nakompromiso ang mga impormasyon, agad na sumangguni sa mga bangko o e-money provider o di kaya’y i-ulat din ito sa PNP o NBI.
Maaari ring idirekta ang sumbong sa pamamagitan ng website na www.bsp.gov.ph o sa mga social media platform ng Bangko Sentral. | ulat ni Jaymark Dagala