BuCor chief, pinabaklas ang mga kubol sa mga piitan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan lamang ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. hangang kahapon ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) para baklasin ang kanilang mga kubol mula sa iba’t ibang penal farms sa bansa.

Ayon kay Catapang, layon ng kanyang pagpapabaklas ng kubol ay para patuloy na malinis ang loob ng mga piitan sa pitong operating prison and penal farms sa buong bansa.

Dagdag pa ni Catapang, ito’y upang magkaroon ng visual check ang mismong higaan ng PDLs sa kanilang selda at upang maiwasan na ang ilang pagtatago ng PDLs at ilang pagpaplano tulad ng nangyaring pagtakas ni Micheal Cataroja.

Samantala, nagbanta si Catapang na kapag mayroon pang mga kubol na natira ngayon ay sisirain ito ng BuCor personnel mula sa Diversified Maintenance Unit nito. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us