BuCor Dir. Gen. Catapang, muling iginiit na kailangang baguhin ang attitude, behavior ng BuCor personnel sa pagsasa-ayos ng kanilang hanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na dapat baguhin na ang asal at attitude ng bawat kawani ng BuCor para sa pagsasaayos ng kanilang hanay.

Aniya, kailangan nang mag-umpisa sa mga jail guards ang magandang asal upang sumunod din ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Dagdag pa ni Catapang na isinasaayos na ang iba pang programa para sa mga kawani ng BuCor tulad ng pabahay magandang benepisyo at magandang sahod upang hindi na gumawa ng anumang iligal na gawain.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa bawat kawani ng BuCor na sumasalungat sa pagsasaayos at reporma ng Correctional ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us