BuCor Dir. Gen. Catapang, welcome ang pagtatalaga kay Gil Torralba bilang kanyang deputy director general para sa paglilinis ng kanilang hanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang pagtatalaga kay Gil Torralba bilang bagong deputy director general ng BuCor.

Aniya, malaking bagay ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Torralba para maka-agapay nito sa paglilinis at pagsusulong ng mga bagong reporma sa lahat ng piitan ng BuCor sa bansa kabilang na ang New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Dagdag pa ni Catapang na magagamit nila ang experiensya ni Torralba dahil isa itong dating pulis at dating provincial jail warden.

Samantala, makakaasa naman ang taumbayan na patuloy na isusulong ng kanilang liderato ang kanilang makakaya upang magkaroon ng maayos na sistema ang lahat ng prison farms na hawak ng Bureau of Corrections at mga reporma sa Persons Deprived of Liberty (PDLs). | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us