BuCor, magbubuo ng Board of Inquiry sa nangyaring pagtakas ng PDL na si Michael Cataroja sa New Bilibid Prisons

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ngayon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang ang pagkakasa ng malalimang imbestigasyon.

Ito’y para alamin kung paano nakatakas sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang Person Deprived of Liberty (PDL) na si Michael Cataroja.

Ayon kay Catapang, nais niyang malaman kung sino ang responsable sa pagtakas ni Cataroja upang mapanagot ito.

Kaya naman magbubuo na rin ang BuCor ng isang Board of Inquiry upang malaman ang mga detalye ng pagtakas ni Cataroja.

Una nang kinumpirma ng Rizal Provincial Police Office ang pagkakaaresto kay Cataroja sa pinagtataguan nito sa Angono, Rizal kahapon ng hapon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us