BuCor operations manual, pinarerepaso ng isang kongresista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na repasuhin ang operations manual ng Bureau of Corrections (BuCor) upang malimitahan ang mga pribilehiyo na nakukuha ng mga drug lord at mayayamang preso.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, nausisa ni Tulfo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kung ang New Bilibid Prison (NBP) ba ay isang national penitentiary, reformatory, o rehabilitation facility dahil sa tila napakaraming benepisyo ng mga PDL gaya ng pag-order ng pagkain online.

Pag-amin ni Remulla, isa itong lock up facility at kailangan muna maayos ang pasilidad ng NBP para masabing rehabilitation facility.

“Ito ay isang lockup facility. Rehabilitation kasi hindi ho pumapasok sa picture ngayon kasi survival lang po ang mode ng tao sa loob. Ang problema ho dito talaga nagkaroon ng economic cluster sa loob, meron ho talagang influential na nananaig po kasi sa loob ng kulungan ito po yung mga drug lord at mga mayayaman, mas privilege po ang buhay nila. Pero the rest po talaga kawawa po talaga ang ating mga nakakulong na kapwa Pilipino.” ani Remulla.

Sinabi naman ni OIC Deputy Director for Operations at NBP Superintendent Jail Senior Inspector Angelina Bautista na ang mga pribilehiyo na nakukuha ng mga preso sa NBP ay nasa operations manual ng BuCor.

Kasama na aniya dito ang visitation rights kung saan ang mga pamilya mula malalayong lugar, ay pinagbibigyan na mamalagi o mag stay-in sa loob ng NBP ng ilang araw.

“I would suggest na kailangan siguro nating i-revisit yung manual ng Bureau of Corrections para makita po natin ang sinasabi ng opisyal na ito. Kasi para pong hindi na tama. Sobra naman hong napakaraming privileges,” sabi ni Tulfo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us