Budget calendar at panuntunan inilatag na ng Appro committee para sa maipasa ang budget on-time

Facebook
Twitter
LinkedIn

Desidido ang House Appropriations Committee na pagtibayin ang panukalang 2024 National Budget on-time

Ayon kay AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co, chair ng Komite, kritikal ang pagpapasa sa pambansang pondo sa tamang oras lalo na sa pagkamit ng 8-Point Socio-Economic Agenda ng pamahalaan at makatugon sa pangangailangan ng bansa.

“Let us also look ahead with renewed optimism and enthusiasm as we again give our full support to the immediate consideration and passage of the P5.768 Trillion FY 2024 proposed budget submitted by the President to Congress last August 2, 2023. Our journey continues, and together, we will face these new challenges and build upon the foundation of economic transformation embodied in the Philippine Development Plan 2023-2028,” saad ni Co

Para maisakatuparan ito ay nilabas na ng komite ang budget calendar para sa pagtalakay sa National Expenditure Program.

Magsisimula ang budget briefing sa August 10 na uumpisahan ng Development Budget Coordination Committee o DBCC at target matapos ng September 11.

Kasabay nito ay inilatag na rin ng komite ang panuntunan sa gagawin na deliberasyon para masiguro ang transparency at streamlining ng pagtalakay sa budget.

Hiniling din ni Co ang pagtutulungan ng mga miyembro ng komite para masiguro ang napapanahong pagpapasa sa 2024 budget.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us