Ipinaliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na bagamat nasa P120 million ang itinaas ng confidential at intelligence fund (CIF) na nakapaloob sa 2024 proposed national budget, ito na ang pinakamababang bahagi ng budget kumpara sa nakalipas na limang taon.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na para sa 2024, ang CIF ay nasa 0.18% lamang ng kabuuang budget.
Mas mababa kumpara sa 0.19% noong 2023 national budget, at 0.18% noong 2022.
Ayon sa kalihim, kaya naman tumaas ang intel fund para sa susunod na taon ay dahil may mga departamento ang nagtaas rin ng confidential funds.
“The DICT increase actually will cover the cyber programs of DICT, and that’s 300 million. And then, for the PSG, that will cover the intelligence activities usually during the out of country ni Presidente, and that’s only an increase of 50 million.” —DBM Asec. Mary Anne Dela Vega.
Ang CIF para sa 2024 ay nasa P9.2 billion, mula sa kabuang P5.768 trillion proposed national budget. | ulat ni Racquel Bayan