Nabawasan ang budget allocation ng Department of Agrarian Reform para sa taong 2024.
Sa budget presentation ng DAR sa House Appropriation Committee, nasa P9.392 bilyon ang inilaan na budget ng Department of Budget and Management sa kagawaran, mas mababa ng 40% o 6.4 bilyong piso kumpara sa 15.85 bilyong piso noong 2023 GAA.
Sa P9.392 bilyon na budget, P5.5 bilyon ay para sa Personal Services, 3.8 sa MOOE o ‘maintenance and other operating expenses’ habang 9 milyong piso naman sa capital outlay.
Ayon kay DAR Sec. Conrad Estrella, ito ay dahil sa decrease ng budget halos sa lahat ng program/activities/ project para sa susunod na taon.
Inilahad din ng kalihim ang mga nakalinyang trabaho ng kagarawan para sa taong 2024 kabilang ang paglilinis ng mga land acquisition and distribution, agrarian justice delivery program at pagtugon sa mga adjudication and agrarian reform cases.
Prayoridad rin ng ahensya ang development and sustainability program para sa agrarian reform beneficiaries. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes