CAAP, nagbigay ng pahayag sa pagkakatunton sa wreckage ng Cessna 152 plane sa Apayao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng pahayag ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagkakatunton ng wreckage ng nawawalang 152 Cessna plane sa lalawigan ng Apayao.

Ayon sa CAAP, natagpuan ang naturang aircraft sa layong 50 kilometers mula sa Tuguegarao Airport kung saan dito inaasahang lalapag ang nasabing Cessna plane at nahanap sa Sitio Matad, Brgy. Salvacion, Bayang Luna sa lalawigan ng Apayao.

Kinilala ang sakay ng naturang aircraft na si Captain Edzel John Lumbao Tabuzo at kasama ang kanyang student pilot na si Anshum Rajkumar Konde.

Dagdag pa ng CAAP na onsite na ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng kanilang tanggapan upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naging dahilan ng pag-crash ng nasabing aircraft. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us