Nakalatag na ang precautionary measures ng mga paliparan sa Northern Luzon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pananalasa ng bagyong Goring.
Ayon sa CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, handa na ang mga paliparan sa anumang pinsalang kakaharapin nito partikular sa mga paliparan ng Tuguegarao Airport, Basco Airport, Itbayat Airport, Cauayan Airport, Palanan Airport at mga airport ng Laoag, Vigan, at Baguio.
Kaugnay nito, pinakansela na rin ang mga biyahe sa mga naturang mga paliparan upang makaiwas sa untoward incident.
Samantala, abiso naman ni Tamayo sa publiko na makipag-unagayn na sa mga airline companies para sa magiging update ng kanilang biyahe at maglalabas ng mga advisories ang CAAP kung maari na bang makalipad ang mga sasakyang panghimpapawid sa naturang mga palipran. | ulat ni AJ Ignacio