CamSur solon, inamin na gumaling ang migraine dahil sa ‘cannabis’

Facebook
Twitter
LinkedIn

CamSur solon, inamin na gumaling ang migraine dahil sa ‘cannabis’

Inamin mismo ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na personal niyang napatunayan ang pagiging epektibo ng medicinal aspect ng marijuana o cannabis.

Pagbabahagi ng mambabatas sa Joint Hearing ng Committees on Dangerous Drugs at Health para sa pagsasalegal ng medical use ng marijuana, nakagamit na siya ng cannabis upang maalis ang kaniyang migraine.

“You know, I’ve used it, I’ve tried it. Based on research abroad. It works, I have a lot of migraine symptoms, it cures us,” pag-amin ni Villafuerte

Hiling din ng mambabatas, na maging bukas na dapat tayo sa paggamit ng cannabis bilang pang gamot sa ilang mga sakit dahil kung ikukumpara aniya sa mga karatig bansa natin sa Asya ay nahuhuli na tayo.

“So sa akin lang po, let’s have an open mind, this is not the Philippines, if ever we will legalize it, will not be the first Asian country doing this. In fact, we are already late. So again may I just ask our colleagues to be open,” ani Villafuerte

Inihain ni Villafuerte ang House Bill 4208 na layong itatag ang Philippine Cannabis Development Authority.

Ang PCDA ang magsisilbing bantay sa pagtatanim, research at paggamit ng cannabis o marijuana. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us