Central Luzon flood basin, dredging at desilting sa mga ilog, solusyon sa pagbaha sa Central Luzon ayon sa DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na makakatulong ang Central Luzon Flood Basin Project sa pagtugon ng pagbaha sa Bulacan at iba pang mga bahagi ng Central Luzon gaya ng naransan nang dumaan ang bagyong Egay, Falcon na sinabayan pa ng habagat.

Ayon kay Bonoan, nasa 400 meter-wide ang gagwing floodway na tatakbo mula sa Arayat, Pampanga hanggang sa Manila Bay.

Gayunpaman, ito ang pangmatagalang solusyon sa problema at aabutin pa ng ilang mga taon bago matapos.

Bilang short-term solution sa problema, tinitingnan ng ahensya ang pagsasagawa ng dredging at desilting sa mga ilog ng Pampanga at Bulacan.

Paliwanag ng kalihim, sa ngayon ay mababaw na kasi ang mga ilog sa rehiyon kaya kakaunti na rin ang carrying capacity.

Ito ang dahilan kaya nagkakaroon ng spill over na nagdudulot ng baha sa mga lugar sa Central Luzon.

Para maisagawa ito, sinabi ni Bonoan na kinakailangan nilang magpull out ng ilang makina mula sa ibang lugar para magsagawa ng desilting at dregding sa Central Luzon dahil kulang rin ang kagamitan ng DPWH.

Samantala, pagdating naman sa Metro Manila, ibinahagi ng kalihim na halos 70 years old na mga drainage facility sa kamaynilaan at 70% rin nito ay barado na kaya malaking tulong dito ang mga pumping stations sa iba’t ibang lugar.

Problema rin aniya ang mga basura na nakakabara sa mga daluyan ng tubig. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us