CHED, inimbitahan ang mga mag-aaral at guro na suportahan ang Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inimbitahan ng Commission on Higher Education o CHED ang mga mag-aaral at guro na suportahan ang mga atletang Pilipino sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay CHED Chairperson Popoy De Vera, inimbitahan niya ang mga guro at mga mag-aaral sa lahat ng antas na manood ng FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan simula August 25 hanggang sa September 2.

Magbibigay naman ng 50% ticket discount ang FIBA Basketball World Cup Local Organizing Committee sa mga mag-aaral at guro na manonood sa opening ceremony at pati na sa ilang laro.

Ipakita lamang ang School ID para sa mga estudyante at PRC ID naman para sa mga guro sa anumang outlet ng TicketNet o SM Ticket para ma-avail ang discount.

Una rito ay sinuspinde na ng Malacañang ang mga klase at pasok sa mga pampublikong paaralan at mga ahensya ng gobyerno sa Metro Manila at Bulacan sa August 25 para sa opening ceremony ng FIBA Basketball World Cup 2023 sa Philippine Arena. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us