CHED, nanguna sa best performing government agencies batay sa 2nd quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna ang Commission on Higher Education (CHED) sa best performing government agencies dahil sa mga ipinatutupad na programa sa higher education.

Ito ay batay sa inilabas na second quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research kung saan nakakuha ang CHED ng 80 percent rating.

Nakakuha ang CHED ng pinakamataas na rating sa Visayas na may 91 percent satisfied, 0 dissatisfied, at 9 percent undecided; habang 86 percent naman ng mga respondent ang nasa Mindanao, at satisfied rating din ang nakuha mula sa National Capital Region.

Katumbas ito ng walo sa 10 mga Pilipino ang satisfied sa performance ng CHED.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, nagpapasalamat sila sa tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino sa ahensya bilang top-rated government agency.

Kinilala din ni De Vera ang ambag ng mga kawani ng CHED sa tagumpay na ito, na aniya ay magsisilbing inspirasyon upang pagbutihin pa ang mga programa sa higher education sa bansa.

Batay sa OCTA survey, nanguna ang CHED sa best performing government agencies, sinundan ito ng Department of Education, Philippine National Police, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development.  | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us