China, inakusahan ng NSC ng paggamit ng psy-war sa isyu sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Psychological Warfare (Psy-war) tactic lang ng China ang kanilang sinasabi na nangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, dahil sa pahayag ng China, nagkakagulo ngayon ang bansa sa pagtuturuan kung sino ang “traydor” na nangako ng ganun na epektibong nagsuko ng karapatan ng bansa sa Ayungin Shoal.

Ito’y matapos na sabihin ni dating Sec. Rigoberto Tiglao na may ebidensya siya na ang dating Pangulong Estrada ang nangako nito.

Babala ni Malaya, na mahuhulog ang Pilipinas sa bitag ng China kung magtuturuan at mag-aaway ang mga Pilipino, dahil pabor sa China kung hindi nagkakaisa ang Pilipinas sa naturang usapin.

Kung tutuusin aniya ay wala nang dapat pag-usapan pa tungkol sa pag-aalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin, dahil nagsalita na ang Pangulo at sinabing walang ganoong pangako ang Pilipinas, at kung mayroon man ay pinapawalang-bisa niya ito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us