Church lay leaders na tatakbo sa brgy polls, pinagbibitiw na sa kanilang posisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng isang Catholic Diocese ang church officials ng alinmang church organization na magbitiw na sa kanilang posisyon kung nais nilang kumandidato sa halalan sa Oktubre 30.

Sa inilabas na Memo Circular, nagbigay ng guidelines si Bishop Dennis Villarojo ng Malolos tungkol sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinuman aniya ang interesado na mahalal na public official ay dapat maghain na ng leave of absence sa kani -kanilang parish priest.

Kapag natalo naman sa halalan ay maaari pa rin silang bumalik at ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa simbahan.

Mahigpit na ipinagbabwal ng diocese ang paggamit ng pasilidad ng simbahan sa panahon ng kampanya kabilang ang pagsusuot ng T-shirt ng church organization. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us