Climate ties at people-to-people relations, patatatagin ng Pilipinas at Germany

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang Pilipinas at Germany na patatagin ang people to people relations maging ang climate cooperations ng dalawang bansa.

Sa pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa credentials ni German Ambassador to the Philippines Andreas Michael Pfaffernoschke sa Malacañang, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng sama-samang pagtugon sa climate change.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang usaping ito ang pinaka-global problem ng lipunan, lalo’t lahat ay apektado dito, at hindi aniya ito mari-resolba kung hindi lahat ay gagampan sa kanilang bahagi sa laban na ito.

Sabi ni Pangulong Marcos, magbi-benepisyo ang bansa sa balikatang ito, lalo’t kapwa isinusulong ng dalawang bansa ang climate agenda sa local at international setting.

Ang Pilipinas at Germany ay lumagda ng Joint Declaration of Intent para sa Interdepartmental Consultations para sa Bilateral Technical Cooperation Projects sa linya ng Climate, Energy, at Biodiversity.

Sa ilalim ng deklarasyon, ang mga partido ay nagkasundo na magsagawa ng regular interdepartmental consultations tungkol sa ongoing at mga naka-linyang bilateral cooperation projects.

Sa kaparehong kaganapan, kinilala nina Pangulong Marcos at ng German Ambassador ang lumalagong people to people connections sa pagitan ng dalawang bansa.

Kapwa nagpahayag ng commiment ang Pilipinas at Germany na paigtingin pa ang ugnayang ito, at i-explore pa ang ibang oportunidad para sa kapwa paglago ng dalawang bansa.

Ipagdiriwang ng dalawang bansa ang kanilang ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations sa 2024. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us