COA, magpapatawag ng pulong hinggil sa gagawing pagbabago sa paggamit ng confidential at intelligence funds

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Commission on Audit Chair Gamaliel Cordoba sa harap ng House Appropriation Committee na magpapatawag siya ng meeting kasama ang mga intera-gency committee upang i-update ang Joint Memorandum Circular ukol sa pagamit ng confidential at intelligence fund o CIF.

Kabilang ang issue ng confidential at intelligence fund sa natalakay ng komite para 2024 budget proposal ng COA.

Naitanong kasi ni Kabataan Partylist Rep. Raul Manuel sa COA kung bukas ba silang amyendahan ang COA-DBM-DILG-GCG-DND Joint Circular No. 2015-01, o Guidelines on the Entitlement, Release, Use, Reporting and Audit of Confidential and/or Intelligence Fund.

Tugon ni Chair Cordoba sa house panel, magpapatawag siya ng pulong kasama ang mga ahensya na nag-promulgate ng JMC noong 2015 at inaasahan itong maisasapinal hanggang matapos ang taon.

Nangako ito na ipagbibigay-alam nila sa House Appropriation Committee at sa Kongreso kung ano ang magiging pagbabago sa Joint Circular.

Samantala, kinumpirma ng komisyon ang kanilang alokasyon na P10 milyon na CIF na siyang ginagamit nila sa imbestigasyon at seguridad ng state auditors na tumetestigo sa mga kaso. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us