COMELEC, may paalala sa mga magkakamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na hindi kwalipikadong tumakbo para sa anumang posisyon sa Sangguniang Kabataan (SK) ang malalapit na kamag-anak ng mga kasalukuyang nakaupo sa pwesto.

Ayon sa COMELEC, hindi pinapayagan ng batas na tumakbo kung ang kamag-anak ng kasalukuyang opisyal ay nasa 1st hanggang 2nd civil degree of consanguinity o affinity.

Ibig sabihin, hindi maaaring tumakbo sa SK ang isang kabataan kung may lolo, lola, ama, ina at kapatid na kasalukuyang nakaupo sa pwesto, dahil itinuturing itong 1st at 2nd degree of consanguinity.

Habang itinuturing namang 1st at 2nd degree of affinity kung ang nais maging kandidato ay may biyenan, bayaw o hipag maging ang lolo at lola ng asawa na nakaupo sa anumang elected position sa pamahalaan.

Sinumang mapatunayang kandidato sa SK na may kamag-anak na incumbent elected official na pasok sa naturang pamantayan, ay hindi papayagang tumakbo at maaaring iharap sa disqualification case sakaling makalusot. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us