COMELEC-Pasig, may paalala sa mga kakandidato para sa Barangay at SK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Pasig City ang mga kakandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na kumpletuhin ang kanilang mga dokumento sa paghahain ng kandidatura.

Ayon kay COMELEC-Pasig Election Officer Atty. Ronaldo Santiago, may ilang mga naghahain ng kandidatura na kung hindi mali ay kulang ang isinusumiteng dokumento.

May ilang kandidato kasi aniya na walang notaryo at document stamp ang Certificate of Candidacy o COC at hindi passport size ang kalakip na photo ang isinusumite sa kanila kaya hindi tinatanggap.

Dahil dito, pinagsabihan ang mga naturang kandidato na bumalik na lamang.

Kabuuang may 30 Barangay ang Pasig City kung saan, 22 rito ay nasa ilalim ng unang Distrito habang ang nalalabing 8 ay nasa ilalim naman ng ikalawang Distrito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us