COMELEC, pinasalamatan ang 10 EMBO barangays sa paggalang sa filing ng kanilang kandidatura sa Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ng Comission on Elections (COMELEC) ang 10 EMBO barangays sa paggalang nito sa desisyon ng COMELEC na sa Taguig City maghahain ng kanilang kandidatura para sa darating na Barangay at Sanguinang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nagpapasalamat ito sa mga kandidato sa maayos na pag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Taguig City Convention.

Dagdag pa ni Garcia na Bagamat may kaunting paninibago sa pababago sa kanilang city jurisdiction ay kaparehas pa rin ang proseso sa kanilang dating lungsod.

Muli namang nagbigay paalala si Garcia sa mga nais magsilbi sa kani-kanilang barangay na lumaban ng patas at sumunod sa mga alintuntunin ng COMELEC. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us