COMELEC, walang planong i-extend ang filing ng COC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila hahabaan ang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga gustong maging opisyal ng barangay.

Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, nainiwala sila na sapat na ang Agosto 28 hanggang Setyember 2 para makapagsumite ang mga nais tumakbo bilang brgy officials ng kanilang mga COC.

Pero paglilinaw ng COMELEC, sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng bagyo ay muli nilang pag aaralan ang mga bagay hinggil dito.

Paalala ni Laudiangco, huwag nang magpahuli ang mga nais tumakbo at sa halip ay agahan ang pag susumite ng kanilang COC para hindi maatraso. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us