Commanding General ng US Air Force Pacific, bumisita sa PH Air Force

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Philippine Air Force (PAF) Chief Lieutenant General Stephen Parreño si United States Air Force Pacific (USAFPAC) Commander General Kenneth S. Willbach, sa kanyang pagbisita sa Philippine Air Force Headquarters sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Ayon kay PAF Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang pag-uusap ng dalawang Heneral ay naging pagkakataon para talakayin ang pinaigting na kooperasyon ng PAF at USAFPAC.

Nasa bansa si Gen. Willbach kaugnay ng closing ceremony ng Pacific Airlift Rally 2023 (PAR-23). 

Ang naturang multilateral military exercise na co-hosted ng PAF at USAFPAC kung saan may partisipasyon ang 14 na bansa, ay isinagawa mula Agosto 14 hanggang 18.

Ang ehersisyo ay isinasagawa kada dalawang taon para mahasa ang kapabilidad sa humanitarian assistance and disaster relief (HADR), at airlift interoperability ng mga kalahok ng magka-alyadong pwersa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us