Pinayuhan ni SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta, miyembro ng House contingent sa makapangyarihang Committee on Appointments, si Health Secretary Ted Herbosa na maghinay-hinay sa pagkomento kontra sa Vape Law.
Kasunod ito ng alinlangan umano ng kalihim sa planong gawing e-cigarette at Heated Tobacco Product (HTP) manufacturing hub ang Pilipinas dahil sa posibleng banta nito sa kalusugan.
Ayon kay Marcoleta, dapat ay igalang na lang ni Herbosa ang nilalaman ng Vape Law na ipinasa ng Kongreso at naging ganap na batas, lgayundin ang posisyon ng Pangulo at ng economic managers hinggil sa usapin.
“As a member of the cabinet, the DOH secretary should not make statements that is contrary to what the President has said including that of his economic managers. Our new DOH secretary should be a team player and should know his place in this administration,” ayon sa mambabatas.
Simple lang din ani Marcoleta ang logic o dahilan kung bakit nais itulak ng DTI na gawing HTP hub ang bansa…at ito para sa dagdag na trabaho.
“The logic is simple. The DTI (Department of Trade and Industry) wants to promote PH as an HTP (heated tobacco product) export hub because it will generate jobs and economic activity for the country,” sabi ng kinatawan.
Dagdag pa ng mambabatas na kung nais makuha ni Herbosa na makuha ang kaniyang kumpirmasyon bilang kalihim ay dapat respetuhin niya ang rule of law. | ulat ni Kathleen Jean Forbes