Inaprubahan ng House Panel ang panukalang consolidation ng House bill 2384 at 6733 o “providing automatic promotion for government officials and employees upon retirement from government office”.
Ito ay iniakda nila Sorsogon 1st District Marie Bernadette Guevara Escudero at Parañaque Representative Edwin Oliveros.
Layon ng batas na otomatikong i-promote ng one step higher ang isang government employee na magreretiro sa serbisyo pagdating ng edad na 60.
Ayon sa mga may akda ng panukala, oportunidad ito upang kilalanin ang ilang taon nilang pagseserbisyo publiko, at upang hikayatin ang government employees sa ngayon na manatili sa kanilang trabaho at iangat ang kanilang work culture.
Kaparehas ito nang sa military and uniformed personnel (MUP), na otomatikong promoted sa kanilang kasalukuyang posisyon kapag nagretiro sa serbisyo.
Sa committee hearing, sa panig ng Civil Service Commission na bagaman suportado nila ang hakbang, suhestiyon nila na baguhin ang titulo ng panukala at gawin nalang itong automatic increase, dahil kaakibat ng salitang promotion ang merito ng performance ng mga government employee.
Ayon naman sa Government Service Insurance System, may budgetary implications ito dahil sa mas mataas na computation ng leave credits. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes