Natapos na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkukumpuni sa runway facilities ng Cotabato City Airport.
Kung saan natapos na ang asphalting ng runway ng naturang paliparan.
Umabot sa ₱340-million ang halaga ng naturang pagkukumpuni ng runway upang makapaghatid na ng serbsiyo sa mga airline passengers sa Cotabato City at ilang karatig lalawigan at bayan sa Maguindanao.
Sa ngayon ay balik operasyon na ang naturang paliparan at nagpapatuloy na ang biyahe patungong Maynila. | ulat ni AJ Ignacio
📸: DOTr/CAAP