Paunti na ng paunti ang kaso ng COVID-19 sa lungsod Quezon.
Ayon sa OCTA Research, nasa 6 na lamang ang naitatalang bilang ng kaso sa lungsod kada araw.
Bahagya namang tumaas ang positivity rate sa 2.1% mula sa dating 1.9%. Ang positivity rate ay ang bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.
Mas mababa na rin ang Reproduction Number ng Quezon City na nasa 0.96, kumpara sa 0.97 noong nakaraang linggo.
Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, nasa 89 na lang ang naitalang active cases ng lungsod.
Bagamat idineklara na ng World Health Organization ang pagtatapos ng COVID-19 Public Health Emergency, hindi pa rin ito tuluyang nawawala sa mga komunidad kaya dapat pa ring mag-ingat ang publiko.| ulat ni Rey Ferrer