NTF-ELCAC, hinamon si CPP-NPA Spokesperson Marco Valbuena na lumantad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang umano’y tagapagsalita ng CPP-NPA na si Marco Valbuena na lumantad sa publiko para pag-usapan ang alok na amnestiya ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa pulong balitaan ng NTF-ELCAC “Tagged Reloaded” sinabi ni Torres na wala nang pinuno ang kilusang komunista sa pagkamatay ni Jose Maria Sison at pagkakanutralisa ng karamihan sa kanilang mga matataas na opisyal at tanging si Marco Valbuena na lang ang nagsasalita para sa grupo.

Gayunman sinabi ni Torres na bukas ang pamahalaan na pakinggan kung may makabuluhang maidadagdag si Valbuena sa isinusulong na Amnesty Proclamation, upang masiguro na walang pagkakamali ang ilalabas na proklamasyon.

Matatandaang si Valbuena ang naglabas ng statement na naghayag ng pagtalikod ng kilusang komunista sa isinusulong na Amnesty Proclamation.

Sinabi naman ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. na natural lang na talikuran ng mga lider ng kilusang komunista ang amnesty proclamation dahil mawawalan sila ng tao sa pagbabalik-loob ng kanilang mga miyembro. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us