Plano ng Civil Service Commission na gawing regular ang pagdaraos ng Computerized Examination o COMEX.
Ito ang naging sagot ni CSC Chair Karlo Nograles sa naging katanungan ni Appropriation Vice Chair Raul Bongalon kaugnay sa computerized exam upang mas marami pa ang makakuha ng eligibility at hindi na maghihintay ng matagal para sa scheduled paper and pen examination.
Ayon kay Nograles, nasa proseso sila ngayon na i-expand ang COMEX at gawin itong araw-araw basta makakuha sila ng provider na tutulong sa pagsasagawa ng computer assisted exam.
Aniya, nais nilang gayahin ang istilo ng pagkuha ng bar exams kung saan gamit ng examinee ang kaniyang sariling laptop alinsunod sa required specification ay makakapag-exam ito at sa parehas na araw din ay makuhuha ang resulta.
Pero diin opisyal, kaakibat ng kanilang plano ang sapat na budget para gawin itong posible. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes