CSC, inaanyayahan ang government workers na makiisa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagdiriwang ng Civil Service Commission (CSC) ang ika-123 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) sa susunod na buwan ng Setyembre.

Ang isang buwang aktibidad ay pasisimulan sa pamamagitan ng pagdaraos ng Online Zumba session sa unang araw ng Setyembre.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, bukas ang aktibidad sa lahat ng opisyal ng gobyerno, empleyado at kanilang mga pamilya, na 18 taong gulang pataas.

Binuksan na ang registration ng Online Zumba session mula noong Agosto 1 hanggang 25. May participation fee na na babayaran para sa individual at group registration.

Ang lahat ng malilikom mula sa event ay gagamitin para suportahan ang Pamanang Lingkod Bayani.

Layon ng programang ito na magbigay pugay sa government workers na namatay habang ginagampanan ang tungkulin, at magbibigay sa kanilang pamilya ng one-time financial assistance at scholarship opportunities. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us