Target ng Civil Service Commission na palawakin ang CSC Eligibility Examination sa susunod na taon.
Kabilang ito sa iprinisenta ng Komisyon sa kanilang budget hearing ngayong umaga sa House Appropriation Committee.
Sinabi ni CSC Chair Karl Nograles, target nilang makamit ang 500,000 registered applicants para sa examination sa taong 2024.
Kumpiyansa si Chair Nograles na makakamit nila ang target na 12,188 na new eligible sa susunod na taon.
Sa pamamagitan nito, tataas ang bilang ng mga qualified na makapasok sa government service.
Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, nasa P2.060 bilyon ang inilaan na pondo ng Department of Budget and Management, mas mababa sa hinihinging budget ng CSC na nasa P3.046 bilyon.
Nanawagan din ang Kalihim sa mga kongresista na dagdagan ang kanilang pondo dahil kung ikukumpara sa mga Civil Service Commission sa karatig na bansa sa Asya gaya ng Malaysia, Thailand at Indonesia ay napakababa ng budget ng CSC sa Pilipinas. | ulat ni Melany-Valdoz-Reyes