Nilinaw ng Malacañang na walang pondo ng pamahalaan ang ginastos sa proyektong fashion show ni First Lady Liza Araneta-Marcos, sa Goldsberg Mansion sa Malacañan Complex noong Martes (August 7).
Ayon kay Deputy Social Secretary Dina Arroyo, ang designers at private institutions na kabalikat ng mga ito ang gumastos sa nasabing event.
“The government does not spend anything on the event because it is paid for by the designers and private institutions they partner with.” — Secretary Tantoco.
Ayon sa Kalihim, ang layunin ng seryeng ito ay makapagbigay ng plataporma para sa Filipino artists na ipamalas ang kanilang likha, sa isang historical setting na mayroong kinalaman sa cultural identity ng bansa.
Layon ng programang ito na magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng creative industry, upang magpakalat ng kamalayan at lumikha ng demand para sa local fabrics at disenyo na sumasalamin sa ‘cultural identity’ ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan