Hindi napagbigyan ang hirit na dagdag pondo ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) para sa subsistence allowance ng persons deprived of liberty (PDLs).
Pagbabahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nananatili sa P70 ang pondo para sa subsistence at P15 ang para sa medical.
Malayo sa hiling na P100 at P30.
Maging ang P23 billion na pondo sana para makapagpatayo ng dagdag na kulungan para ma-decongest ang mga piitan ay hindi napagbigyan.
Paliwanag naman ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Mary Anne Dela Vega, nagdesisyon silang i-retain ang halaga ng subsistence allowance dahil ikinonsidera nila ang susbsistence allowance din ng mga PDL sa BJMP—at military and uniformed personnel na nasa P150. | ulat ni Kathleen Forbes