Iniutos ng dalawang Regional Trial Courts sa Quezon City ang pagpapalaya kay dating broadcaster at talk show host na si Jay Sonza.
Ito’y matapos na ibasura ng Quezon City RTC Branch 125 at Branch 100 ang kasong estafa at large-scale illegal recruitment laban kay Sonza dahil sa kabiguang humarap sa korte ng mga nagrereklamo.
Gayunman, mananatili sa Quezon City Jail Quarantine Facility sa Barangay Payatas si Sonza dahil naman sa isa pang committment order na nag-ugat sa kasong libel na isinampa sa QC RTC Branch 77.
Matatandaang papunta sana si Sonza sa Hong Kong nang harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration noong July 18 matapos na mabisto na may nakabinbin itong mga kaso.
Mula sa Immigration, inilipat si Sonza sa kustodiya ng NationaI Bureau of Immigration at saka itinurn-over sa Bureau of Jail and Management and Penology. | ulat ni Diane Lear